Lip Gloss?- Ask Rex

Ever since I dreamed to have a brother or a sister and alas he had given me both.

It was our first day in class back 2009, June when I first meet him. Oily lip balm, evenly applied face powder, curly, mysterious hair, and my favorite his naturally curled eyelashes; these are the characteristics that rejoices my heart everyday despite the difficult nursing subjects.

eyelashes

Yes, his eyelashes were natural like his genuine personality. Many misinterpreted him, linked him to many personalities like Lady Gaga, Britney, Miley Cyrus, Kris Aquino whom he patronizes up until now with the inclusion of Nicki Minaj. But here are my own experiences.

#1. He taught me how to apply lip gloss.

“The lips is the mirror to our sexuality, if your lips is dry, you know.”

rex  lipstick

#2. Rexell is a good endorser of food. He always quote.

“You must try something else, something different.”

rex icecreamrex chatime

I did not permit him to introduce new concepts to my system, thus I dragged him to some of my passions.

#1. I introduced him to community service.

Now, it’s time to increase your SPF in your lotion and powder!

rex community

#2. I Encouraged him to join me in my fiction writing journey.

“Truth has two sides, and the better story always wins.”

rex seminar

To punish me, he coerced me to ride with him in this LOG!

“Sometimes, you need to experience how to fall like a log from a mountain.”

rex log

If you want an adventurous life he is the best buddy. He defies physics, chemistry and even destiny. Now, he is asking me to go to the Sierra Madre for a jogging. But I must admit, he helped me in many ways, a lot of ways. 🙂

PS He is now mastering the art of cosmetics!  

10 Steps to defeat depression

Kinalulungkot ng Brightgays movement and pagkamatay ni Mr. Robin Williams. Kami ay naghahatid ng aming panalangin na ang kanyang kaluluwa ay sumalangit nawa. Magbigay po tayo ng moment of silence.

                                                       * * * * *(Silence) * * * * *

Ayon sa mga report na natanggap namin. Depression ang sanhi ng pagkamatay ng batikang actor. Ang depression, bagamat hindi isang pisikal na sakit ay talagang dapat bigyan ng pansin. Marami ang namamatay sa depression, karamihan ay mga matatanda na nawalan ng kasiyahan sa buhay. Kung minsan mga kabataan na nagpapatiwakal dahil sa lubhang lungkot na kanilang nadarama. Sa puntong ito, tatalakayin na naman natin ang mga paraan para maiwasan ang depression. Kung malungkot ka, aming iminumungkahi na basahin mo ito.

  1. Habang bata pa ay magdesisyon na kung ano ang gusto mo sa buhay. Kadalasay ang dahilan ng depresyon ay ang mga bagay na pinagsisisihan natin na hindi nagawa noong bata pa tayo. Ang nangyayari, sa mismong death bed mo na sa hospital nauunawaan ang lahat na sana mas mabuti kung hindi itong kurso ang kinuha ko, mas mabuti sana siguro kung iba ang pinakasalan ko, etc. at isa pang mahabang listahan ng mga sana.. sana.. sana..
  1. Sundin ang puso dahil kung puso ang ginagamit siguradong wala kang pagsisihan sa huli. Kung utak naman, ok naman, pero paano kung hindi ka matalino? Ang lahat na sinasabi ng puso ay tama, dahil ang puso mo ay nakaugat sa iyong paaniniwala, pamilya at higit sa lahat sa turo ng Diyos. Malayo ang naaabot ng matalino nagiging mayaman sila pero ang tanong kung naging masaya ba sila? At may napasaya ba sila maliban sa kanilang mga pamilya?
  1. Kumain sa oras. Ang kawalan ng sugar sa utak ay pwedeng magresulta sa depression. Ugaliing magdala rin ng mga chocolates sa pocket. Kung walang budget for chocolates, abangan ang mga tips ko sa inyo next time (mga substitute sa chocolates)
  1. Manood ng mga masasayang movie kasama ang love ones. We recommend “Soul Surfer” Alam niyo ba na effective ang movie watching kung ikaw ay malugkot? Kung bibili ng popcorn, siguraduhing chocolate flavor.
  1. Kausapin ang sarili sa harap ng salamin. Siguraduhing maghilamos muna, dahil baka mas lalo kang ma depress.
  1. Bumili ng bagong panty, bra o brief. Positive vibes must flow from within.
  1. Batuhin ang bubong ng kapitbahay. Gawing kasiyahan at katuwaan ang kanilang pagkagulat. Diba nakakatuwa ang angry birds? E level up mo na ito sa real life.
  1. Makinig sa mga soft music, we recommend “Hindi kita malilimutan” by Basil Valdez.
  1. Pumunta sa simbahan at humingi ng gabay mula sa ating mga pari at madre. Kung hindi ka satisfied sa kanila, pwede namang pumunta ka sa Funeral homes baka may advice din sila sa inyo.
  2. Hubaran ang sarili sa harap ng salamin. Titigan ang lahat na kasuloksulokan ng iyong katawan. Bago mo gawin ang ano mang bagay sa inyong sarili na siyang temple ng Diyos, huwag mong kalimutan ang pagkakataon na binigay ng Diyos para mabuhay tayo. Hindi ka ba nanghihinayang na kakainin ng earthworms ang iyong mga dede nang hindi sa oras? Pwes, kung ang sagot niyo ay No, try to move on and walk forward ng hindi nakahubad!

Ito ang sampung bagong tips kung paano maging masaya. May kanya-kanyan tayong mga diskarte sa buhay. Bilang tao, nilalang tayo ng Diyos para pagdaanan ang hirap at pait ng isang pagiging mortal, makasalanan at mapangahas. Nasusukat ang ating katatagan at pagkatao kung paano  malalampasan ang mga pagsubok na ito. Ang paraiso ay naghihintay sa inyo mga sisters at brothers!

o’ xa! Sana Happy ka ngayon! 🙂

Photo credit: www.fanpop.com

 

10 rules to get your basketball crush!

Maraming tao ang gigil  na gigil sa mga players ng basketball.  Ang tatalakayin natin ngayon ay hindi tungkol sa mga dribble, o ano mang rules sa basketball. Hindi naman ako basketball player or game analyst. Ang ibibigay ko sa inyo ngayon ay ang sampung paraan kung paano makuha ang atensyon ng crush mo sa court. Ready?

Rule 1: Magresearch kung kailan ang game ng crush mo. Syempre ano ang panonoorin mo kung walang game?! E book muna sa calendar at pumunta sa venue one hour before ng game.

Rule 2: Ibahin ang kulay ng damit. Kung ang crush mo ay taga-Ateneo, never wear Blue. Kung UP never wear maroon. Huwag mag-blend sa environment. Hindi ka niya makikita. Kaya kung UP Vs. Adamson, I recommend PINK or RED! Pwede din white at black nastripes,if gusto mo talaga na makapasok sa court dahil mapagkakamalan kang referee.

Rule 3: Bumili ng mamahaling Ticket. The nearer you are sa bench ng crush mo the better. Kaya magsave kana ngayon pa lang. Tandaan mag-early reservation dahil marami ang kompetensya sa court.

Rule 4: Huwag tumili o humiyaw matuturn-off siya sa iyo. Instead, umungol ka, siguradong matuturn-on mo siya. Effective na ito. Recommended talaga. Mas malakas na ungol, mas high ang chance na makuha mo ang crush mo.

Rule 5: Magsuot ng hindi masyadong mahigpit na bra. Kung mahigpit ang bra hindi ka papansinin. Tandaan, nasa bola ang kanilang mga mata,para makuha ito dapat makita nila ang kakaibang bola sa bawat pagtalon mo.

Rule 6: Take advantage of the time-out. Pwede kang mag-offer ng towel, Gatorade, water o ano mang service.

Rule 7: Akitin ang coach. Tandaan, hindi ka makalalapit kung hindi mo nakuha ang loob ni coach.

Rule 8: Isigaw ang name ng crush mo gamit ang megaphone.

Rule 9: Iwagayway ang buhok mo habang nakatingin siya sa crowd. Ang buhok ay makapangyarihan! Siguraduhin shiny at maganda ang shampoo mo.

Rule 10: Sa tuwing makashoot siya ay itaas ang iyong mga paa na parang nakabukaka.

Ito ang sampung mga technique kung paano makukuha ang atensyon ng crush mo tuwing basketball game niya. Naging mabisa na ito sa maraming mga tao. Nagkatuluyan na nga ang iba sa pag-gamit nito. May officemate ako na nakuha ang crush niya gamit ito at masaya sila ngayon. Ngunit, ang pinakamabisa na technique ay kausapin niyo siya para mas sigurado. Sa komunikasyon nagsisimula ang lahat. Minsan, mas mabuti na daanin sa getting to know each other muna, pero syempre mahirap. Pero mas masarap ang isang bagay kung pinaghihirapan di ba?

Hala sige na pupunta pa ako sa bonfire sa UP. Hanggang sa muli!

photocredit: www.interaksyon.com

Top 10 panalangin ng mga Babae, Lalaki at Bakla

Dahil sa mahilig akong tumambay sa mga simbahan ng supling pa lang ako ay nakahiligan kong makinig sa mga panalangin ng mga deboto ng aming kapilya. Akala ko noon, specific yung prayers nila, pero ng pumunta na ako sa Maynila ganoon din pala yung content. Generic. Pareho-pareho yung problema ng mga tao. Ngayon, papaksain naman natin ang mga ibat-ibang laman ng panalangin ng mga lalaki, babae at bakla. Ihanda ang mga highlighters, at kulayan ang mga panalangin mo.

 

Sampung Panalangin ng mga kalalakihan

  1. Sana po ay hindi ako mahuli ng girlfriend ko.
  2. Huwag siya sanang mabuntis.
  3. Sana ay tumaas na ang sahod ko.
  4. Sana bukas pag-gising ko, malamig na bangkay na ang asawa ko.
  5. Sana hindi magkasakit si Junior.
  6. Sana pautangin ako ni Kumare.
  7. Sana hindi kami mahuli ni Kumpare sa bar.
  8. Ipalayo niyo po ako sa tukso.
  9. Sana grumadweyt na ang mga anak ko.
  10. Sana may pulutan mamaya.

 

Sampung Panalangin ng mga babae

  1. Sana lumaki ang boobs ko
  2. Sana mabuhay ang patay ko na mga buhok.
  3. Sana pumuti ang kili-kili ko
  4. Sana pumuti ang BF ko
  5. Sana mawala ang bilbil ko
  6. Sana walang ibang babae ang BF ko
  7. Sana siya na talaga habang buhay.
  8. Sana magkaboyfriend na ako.
  9. Sana magkabalikan kami ng X ko
  10. Sana pakasalan niya na ako.

 

Sampung panalangin ng mga bakla

  1. Make me o Lord in the image of Eve!
  2. Tyugiin niyo na po ang GF ng boylet ko. Makakain sana ng Racomin.
  3. Sana sumirado ang lahat ng butas ng mga babae para walang competition sa market.
  4. Remove my adam’s apple please.
  5. Bigyan niyo po ako ng boobs! Nagmamahal na ang pandesal at putok.
  6. Sana paggising ko po may matris na ako.
  7. Ang gwapo ng sacristan, akin na lang siya.
  8. Ang bango ng katabi ko,e offertory niyo na po sa akin.
  9. Sana nakakaswerte ang pagsama sa mga bakla.
  10. Sana umulan ng lalaki!

 

 

Kita niyo na. Kung ang Diyos ay lubos na mapagbigay hindi mabubuhay ang lahat ng mga tao. Dahil ang laman ng ating mga panalangin ay puno ng kasamaan kung minsan. Mabuti na lang, ang Diyos kung minsan ay nagbibingibingian. May mga dahilan kung bakit hindi natutupad kung minsan ang ating mga kahilingan. Kasi, mas may nangangailangan. Sana ay matutunan nating manalangin ng wasto, manalangin ng para sa iba, manalangin ng mga mabuti para sa ating kapwa, sa ating bansa at sa ating nag-iisang mundo. Mabuti na lang ang Diyos ay marunong mag ISO, may systema at may sinusunod na mga procedures kung paano tumangap at tumupad ng mga panalangin.

 

O’ xa! Hanggang sa susunod na pagtalakay ng mga isyu at anik-anik ng mga tao. Ingat!

 photo credit: www.integratedcatholiclife.org 

Steps para IWAS-IWAN ni BF

 

Naiwan ka na ba ng boyfriend?

Nabulabog naman ako nang nagtext yung kaibigan kong baliw-baliwan sa boyfriend. Hating gabi na, may iba akong ginagawa. Pero, dahil kaibigan nga, dapat magdamayan, magtulungan, magbigayan kailangan ko siyang bigyan ng pansin. Binasa ko ang text ng bruha!

 

“I sent you an email, basahin mo please.”

 

Ay naku! Bad news na naman. Maarte talaga, may email-email pa na nalalaman.  Kung may bad news, ako talaga ang unang pinapasahan ng balita. Reporter ba ako? Manghuhula? Doctor? Albularyo? Hating gabi na. Sa ulit marami akong ginagawa. Pero kaibigan nga. Dapat mauna, dapat sila ang priority. No man is an island. Binuksan ko ang aking email at bumulaga sa akin ang sangkatutak na email  ng ibang tao, karamihan ay work-related, may nagbebenta pa nga ng Viagra eh! Makakahintay sila, uunahin ko na ang email ni Maria Katya Hermosa. Nag-iba na naman ng pangalan ang bruha. Parang kelan lang Rosanna Hidalgo ang name. Kung mag-aaway ng boylet, change agad ng name. Bigyan niyo ako ng pagkakataon na ibahagi sa inyo ang e-mail niya. Sorry sister, I have to make this. 

 

Dear Mikay,

(*See mali na naman ang name. Walang respeto!)

 

I’m very depressed right now. The feeling was like I’m hit by a lightning not once but twice!

*Sa ikalawang pangungusap ng sumulat ay gumamit siya ng simile o paghahalintulad. Isang figure of speech.

 

Iniwan niya naman ako. Pagkatapos na ibinigay ko sa kanya ang lahat, ipinakilala ko siya a mga magulang ko, binilhan ng ice cream, pinakain ng mamon, pina-inom ng GULP sa 7/11 at pinahiram ng pera. Ano pa ba ang kulang? Lahat ng pwedeng ibigay ng isang babae ay naibigay ko na. Kaluluwa, dugo’t laman. Kung may party, pinipilit ko na bumihis ng bongga para naman hindi siya mahiya. Ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko, pati pa nga sa boss ko eh, sa officemates, nagpapicture pa nga kami sa office. Noong isang araw, nagtext na lang siya na ayaw na niya.  Nang tinanong ko kung may  kasalanan ba ako, wala naman daw! Hindi ko na kaya!

 

Naghihinagpis,

Maria Katya Hermosa

 

Isa lang si Maria Katya Hermosa sa mga babaeng nawawalan ng BF sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Walang humpay ang pagtulo ng kanilang mga luha sa tuwing iniiwan sila ng boylet sa kalagitnaan ng matamis na pag-iibigan. Maganda naman sila, may pera, sexy at matalino, pero bakit sila iniiwan?

 

Dahil sa nagpakadalubhasa ako sa ganitong mga uri ng paksa, ay may armas tayong mga kababaihan laban sa mga kalalakihan na nangiiwan.  Hindi naman nnila ito kasalanan. Nasa system na nila ang ganitong mga proseso. Ito ang mga kaalaman na gusto kong ibahagi ngayon sa inyo para maibsan ang kalungkutan na ating nadarama.

 

Paano hindi iwan ng boyfriend?

 

#1. Huwag ibigay ang lahat! Diyos nga hindi binibigay ang lahat. Kapag ibinigay mo ang lahat, paano ang pananampalataya ng lalaki sa inyo? Kapag ibingay kaya ng Diyos ang lahat nating kahilingan, may magsisimba pa ba? May luluhod pa ba sa altar? May benta pa ba ang mga nagtitinda ng kandila sa Quiapo? Magtira naman kayo sisters!

 

#2 Paminsan-minsan mag dress down ka naman tuwing kasama niyo ang boylet. Tama namang maging maganda ka sa lahat ng oras sa harap ng iba, pero mali kung kasama mo siya. Hindi sa lahat ng oras. May nakita ka na bang gwapo na ang kasama niya ay pangit sa mall? YES! At sa araw-araw na ginawa ng Maykapal ay masaya silang dalawa. Ito ang katotohanan, gusto ng lalaki na mas katakamtakam sila sa mata ng iba, para makontrol sila kailangan niyong maglevel down minsan, kung hindi maghahanap yan ng pangit.

 

#3 Huwag maging predictable. Magpakolor din kayo ng buhok minsan, magpagupit, magmanicure, awayin niyo naman siya kung may pagkakataon, huwag itext, pagpadala ng gift, mag pa hard to get. Tandaan, ayaw ng lalaki ang paulit-ulit. Dapat may iba kang putahe sa araw araw na ginawa ng Bathala!

 

O la! Iyan ang tatlong sekreto kung paano hindi kayo iwan ng boylet. Sa huli, hindi sapat ang pagmamahalan lang, dapat may SCIENCE din kung minsan.  Hanggang sa muling pagtalakay ng mga probema, buhay at hinagpis ng iba.

 Photo credit: joonies.com

Birthday sa Mandaluyong

Naninilip na ang sinag ng araw. Pumapasok ang maiinit nitong mga daliri sa masikip na butas na nasa dingding ng inuupahang kwarto ni Red. Bedspace lang. Mainit. Maingay. Mahal kung nag-iisa ka lang sa kwarto. Sampung libo ang isang buwan sa Mandaluyong, sa Makati 12K, kung gusto mo mura sa Quiapo may limang libo pero ayaw niyang masaksak. Magahasa pwedeng pag-usapan, pero masaksak?!

Inunat niya ang kanyang payat na katawan. Parang guma. Apat sila sa loob ng kwarto. Dalawang double deck na kama. Ang mga alikabok ay sumasayaw sa indak ng mga hilik ng kanyang apat na nag-gwagwapohang boardmate. Ang isa macho, call center agent sa Mandaluyong. Ang isa security guard. Matigas ang katawan, batak ang muscles. Ang nasa itaas ng kama niya ay ang Med Rep ng isang pharma sa Pioneer Street. Magaling magsalita. Payat pero may tinatago.  Tableta? Capsula? Hindi niya mabatid, basta malaki. Hindi pa siya nakakakuha ng sample kahit “not for sale” naman daw.

Sa kanyang pagtayo mula sa kanyang kama ay nagulat siya. Wala na ang kanyang mga boardmate. Tiningnan niya ang kanyang bag. Naroroon pa ang kanyang wallet. Kinabahan. Akala niya nasalisi na siya. Sa kanyang paghakbang ay lumitaw ang kanyang apat na boardmate. Nakatuwalya lamang. Top less. Bagong ligo. May dalang cake. Apat na cake na may ibat-ibang klase ng kandila.  Apoy na lang ang kulang. Lumapit ang mga kandila. Naramdaman niya ang init. Mapapaso na siya. Kailangan nang e-blow ang mga ito.

Hinigop niya gamit ang takam na nguso ang hangin na puno ng baygon spray. Handa na siyang bumuga. Sa kanyang pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita niya ang hindi pa nasisindihang kandila sa altar. Kandilang galing sa Iloilo. Mahaba. Mataba. Malaki. May angking hiwaga. Ito ang kailangan niya–ang kandilang magbibigay ng matagalang liwanag at hindi pansamantalang init at liwanag.

Ang Azul na Palda at Masahista.

Bughaw ang kulay ng magnanakaw. Walang kahirap-hirap na ninakaw ng paldang bughaw ang atensyon ng madla sa Boni Avenue. Nabitawan ng tindero ang payong. Nasunog ang fishball. Nalunod sa gulaman ang lalaki sa Siomai Hauz. Napahigpit ang hawak ng lalaki sa ipanamimigay na mga flyer. Nakakabingi ang dalang alindog ng paldang azul. Hindi lang iyon, sa itaas ng paldang azul ay ang puting blusa. Simple, marikit, walang kasalanan. Kitang-kita ang pagsayaw nito sa hangin na namumutawi sa gutom para sa mga namamalimos, inis at galit sa mga nahipuan sa bus, pangamba sa mga ubos na ang pera dahil malayo pa ang sahod at umaapaw na libog sa mga babae, lalaki at baklang ibinubuntun ang damdamin sa pinakuluang sweet corn. Sa isip ni Judy tama na. Naka strike 3 na si Ken. Ang berde niyang doll shoes na may mga nakabordang mga bulaklak ay sinasampal ang maruming daan. Tuyo na ang mga orkidya sa dollshoes. Gusto nang madiligan ngunit walang ulan. Walang ulan si Ken. Walang dalang bugso. Kahit na mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang lipstick na kulay rosal ay hindi nagigising si Adan. Hindi nakakamit ang rurok ng Mt. Everest. Binigyan si Judy ng makisig na lalaki ng isang flyer. Hindi Condo; masahe ang binebenta. Walang address, calling number lang. Biglang may nararamdamang buhay si Judy sa kanyang paa. Nagkaroon ng kulay ang dollshoes niya. Ngumiti ang lalaki. Napakaputi ng ngipin. Mabango parang santo. Ipinasok ni Judy ang flyer sa kanyang loot bag. Naririnig niya ang awit ng pag-asa mula sa bulag na namamalimos sa daan.

Ang hubad na katawan sa flyer ang huli niyang nakita. Sigurado na siya kailangan niya ng masahe para makuha ang lamig sa kanyang mga tuyong ugat.

Bakla man ay may langit din sa Bus

Mabilis ang lahat ng bagay sa Maynila. Mabilis maglakad ang mga tao, parang hinahabol. Mabilis maubos ang pera. Mabilis tumakbo ang mga snatcher. Mabilis ang mga bus. Hindi si Kurt sanay sa mabilis, gusto niya kahit mabagal basta may patutunguhan. Mabigat at nakakabingi ang patak ng ulan. May bagyo na naman. May bagyo din sa loob niya. Mabigat ang loob dahil nawalan na naman. Mahina ang pitik ng puso. Matamlay, walang buhay. Kanyang pinalangin na sana ay tangayin siya ng mabugsong hangin na hinihimas ang kanyang mga laman. Iba ang himas ng hangin. Iba ang himas ng nang-iwan. Mabilis na huminto ang bus na may tatak MMDA disiplina C sa harap ng Boni terminal. Nakita niyang puno na, ayaw pa naman na nakatayo. Wala siya sa posisyon na mamili pa kahit gusto niya. Basa na ang pantalon niya, pati ang kanyang panloob. Parang iniihaw na baboy ang tunog ng mga gulong. Pagkabukas ng pintuan ay nagkatulakan, nagkahipuan, nagkamurahan.  Kalbaryo, walang langit kung rush hour. Hindi lahat nakasakay sa bus. Una-unahan lang ang buhay. Biglang kumaripas ang bus. Bastos ang drayber. Pero mas bastos si Kurt. Nahawakan niya ang hindi dapat mahawakan. Parang gusto niyang bumaba ngunit malayo pa ang Ayala. Ngumiti ang lalaki.  Nakasando lang.  Maputi . Mabango. Napahiya si Kurt. Ibinigay sa kanya ng lalaki ang upuan. Umayaw ito. Pinilit siya ng lalaki. Lumabas ang malamig na OO sa bibig ni Kurt. Pinainit ito ng mga nagsilaglagan na mga butil ng tubig sa katawan ng lalaki. Inuhaw si Kurt. Gustong uminom. Gusto niyang ipadiligan ang kanyang pusong tigang.

 

Ang bakla, Kandila at Carriedo

Basahin kung ano ang nakita ng bakla sa MRT.
Ano ang nakita niya na hindi mo pa nakikita.

*****
“Mahigpit ang hawak ni Al sa kanyang dalang bag. Lumalabas ang ulo ng mga kandila na kanyang binili sa harap ng simbahan ng Quiapo. Matigas. Mahaba. Hindi tuwid. Iba’t iba ang kulay. Mas marami ang kulay itim. Naaamoy niya ang pinipritong fishball at kikiam. Dumadapo sa kanyang mga pisngi ang mainit pero nakakatakam na usbong ng siomai. Gusto niyang bumili, pero parating na ang tren. Rumaragasa ang mga tao papasok sa tren. Umusbong ang pinaghalong amoy ng mga pasahero, matindi ang amoy ng pawis at sigarilyo. May nakita siya, mas masarap pa sa Siomai. Paisa-isang tumutulo na parang pulot galing sa pulot-pukyutan ang matamis na pawis ng binata na katabi ni Al. Mala-Adonis ang katawan, basa sa pawis; amoy gatas. Gusto niyang uminom ng gatas. Gusto niya ng calcium. Lalong sumikip ang loob ng tren. Matigas ang katawan ng lalaki. Umiinit. Lumalambot ang mga kandila. Binali niya ang mga itim na kandila. At inangkin ang bagong kandila na gustong bigyan ng liwanag at buhay ang puso niyang naliligaw. ” #agayfromquiapo