Steps para IWAS-IWAN ni BF

 

Naiwan ka na ba ng boyfriend?

Nabulabog naman ako nang nagtext yung kaibigan kong baliw-baliwan sa boyfriend. Hating gabi na, may iba akong ginagawa. Pero, dahil kaibigan nga, dapat magdamayan, magtulungan, magbigayan kailangan ko siyang bigyan ng pansin. Binasa ko ang text ng bruha!

 

“I sent you an email, basahin mo please.”

 

Ay naku! Bad news na naman. Maarte talaga, may email-email pa na nalalaman.  Kung may bad news, ako talaga ang unang pinapasahan ng balita. Reporter ba ako? Manghuhula? Doctor? Albularyo? Hating gabi na. Sa ulit marami akong ginagawa. Pero kaibigan nga. Dapat mauna, dapat sila ang priority. No man is an island. Binuksan ko ang aking email at bumulaga sa akin ang sangkatutak na email  ng ibang tao, karamihan ay work-related, may nagbebenta pa nga ng Viagra eh! Makakahintay sila, uunahin ko na ang email ni Maria Katya Hermosa. Nag-iba na naman ng pangalan ang bruha. Parang kelan lang Rosanna Hidalgo ang name. Kung mag-aaway ng boylet, change agad ng name. Bigyan niyo ako ng pagkakataon na ibahagi sa inyo ang e-mail niya. Sorry sister, I have to make this. 

 

Dear Mikay,

(*See mali na naman ang name. Walang respeto!)

 

I’m very depressed right now. The feeling was like I’m hit by a lightning not once but twice!

*Sa ikalawang pangungusap ng sumulat ay gumamit siya ng simile o paghahalintulad. Isang figure of speech.

 

Iniwan niya naman ako. Pagkatapos na ibinigay ko sa kanya ang lahat, ipinakilala ko siya a mga magulang ko, binilhan ng ice cream, pinakain ng mamon, pina-inom ng GULP sa 7/11 at pinahiram ng pera. Ano pa ba ang kulang? Lahat ng pwedeng ibigay ng isang babae ay naibigay ko na. Kaluluwa, dugo’t laman. Kung may party, pinipilit ko na bumihis ng bongga para naman hindi siya mahiya. Ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko, pati pa nga sa boss ko eh, sa officemates, nagpapicture pa nga kami sa office. Noong isang araw, nagtext na lang siya na ayaw na niya.  Nang tinanong ko kung may  kasalanan ba ako, wala naman daw! Hindi ko na kaya!

 

Naghihinagpis,

Maria Katya Hermosa

 

Isa lang si Maria Katya Hermosa sa mga babaeng nawawalan ng BF sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Walang humpay ang pagtulo ng kanilang mga luha sa tuwing iniiwan sila ng boylet sa kalagitnaan ng matamis na pag-iibigan. Maganda naman sila, may pera, sexy at matalino, pero bakit sila iniiwan?

 

Dahil sa nagpakadalubhasa ako sa ganitong mga uri ng paksa, ay may armas tayong mga kababaihan laban sa mga kalalakihan na nangiiwan.  Hindi naman nnila ito kasalanan. Nasa system na nila ang ganitong mga proseso. Ito ang mga kaalaman na gusto kong ibahagi ngayon sa inyo para maibsan ang kalungkutan na ating nadarama.

 

Paano hindi iwan ng boyfriend?

 

#1. Huwag ibigay ang lahat! Diyos nga hindi binibigay ang lahat. Kapag ibinigay mo ang lahat, paano ang pananampalataya ng lalaki sa inyo? Kapag ibingay kaya ng Diyos ang lahat nating kahilingan, may magsisimba pa ba? May luluhod pa ba sa altar? May benta pa ba ang mga nagtitinda ng kandila sa Quiapo? Magtira naman kayo sisters!

 

#2 Paminsan-minsan mag dress down ka naman tuwing kasama niyo ang boylet. Tama namang maging maganda ka sa lahat ng oras sa harap ng iba, pero mali kung kasama mo siya. Hindi sa lahat ng oras. May nakita ka na bang gwapo na ang kasama niya ay pangit sa mall? YES! At sa araw-araw na ginawa ng Maykapal ay masaya silang dalawa. Ito ang katotohanan, gusto ng lalaki na mas katakamtakam sila sa mata ng iba, para makontrol sila kailangan niyong maglevel down minsan, kung hindi maghahanap yan ng pangit.

 

#3 Huwag maging predictable. Magpakolor din kayo ng buhok minsan, magpagupit, magmanicure, awayin niyo naman siya kung may pagkakataon, huwag itext, pagpadala ng gift, mag pa hard to get. Tandaan, ayaw ng lalaki ang paulit-ulit. Dapat may iba kang putahe sa araw araw na ginawa ng Bathala!

 

O la! Iyan ang tatlong sekreto kung paano hindi kayo iwan ng boylet. Sa huli, hindi sapat ang pagmamahalan lang, dapat may SCIENCE din kung minsan.  Hanggang sa muling pagtalakay ng mga probema, buhay at hinagpis ng iba.

 Photo credit: joonies.com

Birthday sa Mandaluyong

Naninilip na ang sinag ng araw. Pumapasok ang maiinit nitong mga daliri sa masikip na butas na nasa dingding ng inuupahang kwarto ni Red. Bedspace lang. Mainit. Maingay. Mahal kung nag-iisa ka lang sa kwarto. Sampung libo ang isang buwan sa Mandaluyong, sa Makati 12K, kung gusto mo mura sa Quiapo may limang libo pero ayaw niyang masaksak. Magahasa pwedeng pag-usapan, pero masaksak?!

Inunat niya ang kanyang payat na katawan. Parang guma. Apat sila sa loob ng kwarto. Dalawang double deck na kama. Ang mga alikabok ay sumasayaw sa indak ng mga hilik ng kanyang apat na nag-gwagwapohang boardmate. Ang isa macho, call center agent sa Mandaluyong. Ang isa security guard. Matigas ang katawan, batak ang muscles. Ang nasa itaas ng kama niya ay ang Med Rep ng isang pharma sa Pioneer Street. Magaling magsalita. Payat pero may tinatago.  Tableta? Capsula? Hindi niya mabatid, basta malaki. Hindi pa siya nakakakuha ng sample kahit “not for sale” naman daw.

Sa kanyang pagtayo mula sa kanyang kama ay nagulat siya. Wala na ang kanyang mga boardmate. Tiningnan niya ang kanyang bag. Naroroon pa ang kanyang wallet. Kinabahan. Akala niya nasalisi na siya. Sa kanyang paghakbang ay lumitaw ang kanyang apat na boardmate. Nakatuwalya lamang. Top less. Bagong ligo. May dalang cake. Apat na cake na may ibat-ibang klase ng kandila.  Apoy na lang ang kulang. Lumapit ang mga kandila. Naramdaman niya ang init. Mapapaso na siya. Kailangan nang e-blow ang mga ito.

Hinigop niya gamit ang takam na nguso ang hangin na puno ng baygon spray. Handa na siyang bumuga. Sa kanyang pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita niya ang hindi pa nasisindihang kandila sa altar. Kandilang galing sa Iloilo. Mahaba. Mataba. Malaki. May angking hiwaga. Ito ang kailangan niya–ang kandilang magbibigay ng matagalang liwanag at hindi pansamantalang init at liwanag.

Ang Azul na Palda at Masahista.

Bughaw ang kulay ng magnanakaw. Walang kahirap-hirap na ninakaw ng paldang bughaw ang atensyon ng madla sa Boni Avenue. Nabitawan ng tindero ang payong. Nasunog ang fishball. Nalunod sa gulaman ang lalaki sa Siomai Hauz. Napahigpit ang hawak ng lalaki sa ipanamimigay na mga flyer. Nakakabingi ang dalang alindog ng paldang azul. Hindi lang iyon, sa itaas ng paldang azul ay ang puting blusa. Simple, marikit, walang kasalanan. Kitang-kita ang pagsayaw nito sa hangin na namumutawi sa gutom para sa mga namamalimos, inis at galit sa mga nahipuan sa bus, pangamba sa mga ubos na ang pera dahil malayo pa ang sahod at umaapaw na libog sa mga babae, lalaki at baklang ibinubuntun ang damdamin sa pinakuluang sweet corn. Sa isip ni Judy tama na. Naka strike 3 na si Ken. Ang berde niyang doll shoes na may mga nakabordang mga bulaklak ay sinasampal ang maruming daan. Tuyo na ang mga orkidya sa dollshoes. Gusto nang madiligan ngunit walang ulan. Walang ulan si Ken. Walang dalang bugso. Kahit na mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang lipstick na kulay rosal ay hindi nagigising si Adan. Hindi nakakamit ang rurok ng Mt. Everest. Binigyan si Judy ng makisig na lalaki ng isang flyer. Hindi Condo; masahe ang binebenta. Walang address, calling number lang. Biglang may nararamdamang buhay si Judy sa kanyang paa. Nagkaroon ng kulay ang dollshoes niya. Ngumiti ang lalaki. Napakaputi ng ngipin. Mabango parang santo. Ipinasok ni Judy ang flyer sa kanyang loot bag. Naririnig niya ang awit ng pag-asa mula sa bulag na namamalimos sa daan.

Ang hubad na katawan sa flyer ang huli niyang nakita. Sigurado na siya kailangan niya ng masahe para makuha ang lamig sa kanyang mga tuyong ugat.

Bakla man ay may langit din sa Bus

Mabilis ang lahat ng bagay sa Maynila. Mabilis maglakad ang mga tao, parang hinahabol. Mabilis maubos ang pera. Mabilis tumakbo ang mga snatcher. Mabilis ang mga bus. Hindi si Kurt sanay sa mabilis, gusto niya kahit mabagal basta may patutunguhan. Mabigat at nakakabingi ang patak ng ulan. May bagyo na naman. May bagyo din sa loob niya. Mabigat ang loob dahil nawalan na naman. Mahina ang pitik ng puso. Matamlay, walang buhay. Kanyang pinalangin na sana ay tangayin siya ng mabugsong hangin na hinihimas ang kanyang mga laman. Iba ang himas ng hangin. Iba ang himas ng nang-iwan. Mabilis na huminto ang bus na may tatak MMDA disiplina C sa harap ng Boni terminal. Nakita niyang puno na, ayaw pa naman na nakatayo. Wala siya sa posisyon na mamili pa kahit gusto niya. Basa na ang pantalon niya, pati ang kanyang panloob. Parang iniihaw na baboy ang tunog ng mga gulong. Pagkabukas ng pintuan ay nagkatulakan, nagkahipuan, nagkamurahan.  Kalbaryo, walang langit kung rush hour. Hindi lahat nakasakay sa bus. Una-unahan lang ang buhay. Biglang kumaripas ang bus. Bastos ang drayber. Pero mas bastos si Kurt. Nahawakan niya ang hindi dapat mahawakan. Parang gusto niyang bumaba ngunit malayo pa ang Ayala. Ngumiti ang lalaki.  Nakasando lang.  Maputi . Mabango. Napahiya si Kurt. Ibinigay sa kanya ng lalaki ang upuan. Umayaw ito. Pinilit siya ng lalaki. Lumabas ang malamig na OO sa bibig ni Kurt. Pinainit ito ng mga nagsilaglagan na mga butil ng tubig sa katawan ng lalaki. Inuhaw si Kurt. Gustong uminom. Gusto niyang ipadiligan ang kanyang pusong tigang.

 

Ang bakla, Kandila at Carriedo

Basahin kung ano ang nakita ng bakla sa MRT.
Ano ang nakita niya na hindi mo pa nakikita.

*****
“Mahigpit ang hawak ni Al sa kanyang dalang bag. Lumalabas ang ulo ng mga kandila na kanyang binili sa harap ng simbahan ng Quiapo. Matigas. Mahaba. Hindi tuwid. Iba’t iba ang kulay. Mas marami ang kulay itim. Naaamoy niya ang pinipritong fishball at kikiam. Dumadapo sa kanyang mga pisngi ang mainit pero nakakatakam na usbong ng siomai. Gusto niyang bumili, pero parating na ang tren. Rumaragasa ang mga tao papasok sa tren. Umusbong ang pinaghalong amoy ng mga pasahero, matindi ang amoy ng pawis at sigarilyo. May nakita siya, mas masarap pa sa Siomai. Paisa-isang tumutulo na parang pulot galing sa pulot-pukyutan ang matamis na pawis ng binata na katabi ni Al. Mala-Adonis ang katawan, basa sa pawis; amoy gatas. Gusto niyang uminom ng gatas. Gusto niya ng calcium. Lalong sumikip ang loob ng tren. Matigas ang katawan ng lalaki. Umiinit. Lumalambot ang mga kandila. Binali niya ang mga itim na kandila. At inangkin ang bagong kandila na gustong bigyan ng liwanag at buhay ang puso niyang naliligaw. ” #agayfromquiapo