Ang Azul na Palda at Masahista.

Bughaw ang kulay ng magnanakaw. Walang kahirap-hirap na ninakaw ng paldang bughaw ang atensyon ng madla sa Boni Avenue. Nabitawan ng tindero ang payong. Nasunog ang fishball. Nalunod sa gulaman ang lalaki sa Siomai Hauz. Napahigpit ang hawak ng lalaki sa ipanamimigay na mga flyer. Nakakabingi ang dalang alindog ng paldang azul. Hindi lang iyon, sa itaas ng paldang azul ay ang puting blusa. Simple, marikit, walang kasalanan. Kitang-kita ang pagsayaw nito sa hangin na namumutawi sa gutom para sa mga namamalimos, inis at galit sa mga nahipuan sa bus, pangamba sa mga ubos na ang pera dahil malayo pa ang sahod at umaapaw na libog sa mga babae, lalaki at baklang ibinubuntun ang damdamin sa pinakuluang sweet corn. Sa isip ni Judy tama na. Naka strike 3 na si Ken. Ang berde niyang doll shoes na may mga nakabordang mga bulaklak ay sinasampal ang maruming daan. Tuyo na ang mga orkidya sa dollshoes. Gusto nang madiligan ngunit walang ulan. Walang ulan si Ken. Walang dalang bugso. Kahit na mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang lipstick na kulay rosal ay hindi nagigising si Adan. Hindi nakakamit ang rurok ng Mt. Everest. Binigyan si Judy ng makisig na lalaki ng isang flyer. Hindi Condo; masahe ang binebenta. Walang address, calling number lang. Biglang may nararamdamang buhay si Judy sa kanyang paa. Nagkaroon ng kulay ang dollshoes niya. Ngumiti ang lalaki. Napakaputi ng ngipin. Mabango parang santo. Ipinasok ni Judy ang flyer sa kanyang loot bag. Naririnig niya ang awit ng pag-asa mula sa bulag na namamalimos sa daan.

Ang hubad na katawan sa flyer ang huli niyang nakita. Sigurado na siya kailangan niya ng masahe para makuha ang lamig sa kanyang mga tuyong ugat.

4 Replies to “Ang Azul na Palda at Masahista.”

  1. I?m impressed, I must say. Really rarely do I encounter a blog that?s both educative and entertaining, and let me tell you, you have hit the nail on the head. Your idea is outstanding; the issue is something that not enough people are speaking intelligently about. I am very happy that I stumbled across this in my search for something relating to this.

    Like

Leave a reply to how to view instagram pictures of private account Cancel reply